SD Biosensor Mahilig MagPA-PAdrino sa Malacanang Connection?

Sobrang HINA naman nitong SD Biosensor at kailangan pa nitong gumamit ng PAPA as in PADRINO para makalusot ang mga palpak na walang kwentang mga COVID-19 test kits nito.

Kita naman natin sa mga sunod-sunod kong mga post dito sa Get Real Philippines na kung sino sinong mga government functionaries ang tila sumusuporta sa pag-apruba ng mga COVID-19 test kits ng SD Biosensor.

Kaso, di makapasa pasa sa requirement ng FDA ng Pilipinas na 80 percent sensitivity. Sa huling pagsusuri ng FDA eh 71 percent lang ang naitalang sensitivity nito.

At dun nga nahalata ang pag-gamit ng SD Biosensor ng mga kone-koneksyon na umaabot daw hanggang sa Malacanang.

Nakow! Huwag naman sanang may lumantad o di kaya mabuking na power broker under the hire of SD Biosensor.

Kahiya-hiya naman sa opisyal na yun kasi parang ipinagpalit sa salapi ang kaligtasan at kalusugan ng milyon-milyong Pilipino.

Rejected ang COVID-19 testing kits sa US at maging sa South Korea na pinanggalingan ng SD Biosensor.

Di komo third world na bansa ang Pilipinas eh dapat nating tanggapin ang tinapon at ibinasura na COVID-19 testing kits ng SD Biosensor.

Hindi porke poor ang karamihan ng Pilipino eh pagagamitin ng hindi mabisa at ligtas ng COVID-19 testing kits.

Kung sino man ang Pontio Pilato at masahol pa sa NPA na HUDAS BARABAS HESTAS na opisyal ng Malakanyang na makaisip na ilakad ang SD Biosensor para gamitin ang COVID 19 testing kits nito, dapat itong bistuhin ng husto.

Kung pwede lang, takalan at i-embudo tapos ipa-firing squad bago italong sa ilog Pasig ang mahuli at mapatunayang tumanggap ng pondo mula sa SD Biosensor para pumasa ang produkto nila.

Ang dami nang kahihiyang sinalo si Presidente Duterte dahil sa kasibaan at kapalpakan ng ilang appointees niya, huwag na sanang dagdagan.

Nakakaawa na si Presidente sa dami ng inaatupag na problema ng bansa.

Kung naiisip man ng nilapitan ng SD Biosensor na magkakapondo siya para sa pagtakbo sa 2022, eh patunay lang ito na hindi siya karapatdapat na mahalal dahil ginagawa lang niyang kalakal ang posisyon at kapangyarihan imbis na gamitin ito para maiangat ang mahihirap at mabigyan ng ginahawa ang mga nakikipagsapalaran nating mga mamamayan.

Ayon sa ilang mga sources namin, natukoy na kung sino itong nagbabalak lumakad ng pag-gamit ng pamahalaan ng COVID 19 testing kits ng SD Biosensor.

Hindi ko na sasabihin dito kasi alam naman natin… ang DOLPHIN, este, ang ISDA ay nahuhuli dahil sa sariling BUNGANGA.

ANG LAKI PA NAMAN NG BUNGANGA NITO.

print

2 Comments on “SD Biosensor Mahilig MagPA-PAdrino sa Malacanang Connection?”

  1. Malaki ang bulsa nitong ugok na taong ito…ang atin bayan ay puno ng kurakot at magnanakaw na tao.

    Ang pagtinda at komisiyon niya sa Bio Sensor, ay mas mahalaga, kaysa buhay mo; o buhay ng mga mamamayan Pilipino…Maraming “buwaya” na nakapaligid kay Pres. Duterte..

    Kahit sino man maging Presidente, nandiyan pa rin ang mga buwaya !

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.