Kulturang Pinoy: Makalumang Pag-iisip Sa Modernong Mundo

2015 na at ilang buwan na lang ay darating na 2016 na siyang inaasahan ng nakararami na magdadala ng mabuting pagbabago sa ating bansa. Ganoon pa man, pasensya na kung hindi ako gaanong umaasa na darating ang pagbabago na inaasam ng ating mga kababayan dahil sa palagay ko, iilan lang naman talaga ang gustong magbago para sa ikabubuti ng nakararami. Mas marami pa akong kilala na masaya na sa kung anong sitwasyon ang meron tayo ngayon at wala na yatang balak na magbago kahit kasama ang mismong pananaw at pag-uugali nila na tumutulong sa pag-sira ng ating bansa.

philippines_flag

Gusto niyo ba ng mga halimbawa?

Mas Inuuna Natin Ang Mga Mabababaw Na Pag-Aaway 

Isinama ko na ito sa mga gawa ko sa Ingles pero isasama ko ulit dito para mas maintindihan niyong lahat.

Sa mga Briton, ang pag-aaway sa opisina ay normal at hindi na malaking bagay. Marka ng pagiging “mature” at produktibo para sa mga Briton ang pagtratrabaho at pakikisalamuha kasama ng mga kaaway nila. Ang hindi pagtrabaho o pagsipot sa opisina dahil sa kaaway ay nakikita ng mga Briton na asal ng isang bata.

Sa Pilipinas naman, meron mga tao na halos ayaw ng magtrabaho dahil makakasama nila ang kanilang kaaway. Kung oobserbahan pa natin, kadalasan ang away nila ay umiikot lang sa inggit, pagseselos o paghihiganti, na malamang produkto na naman ng mga paborito nating mga teleserye.

Ang masakit dito, inaasam ng nakararami na magkaisa tayo bilang bansa ngunit halata naman na marami sa atin ay ayaw maki-isa sa mga tamang pagbabago dahil sa mga mabababaw na kadahilanan.

Ang Gusto Natin Ay Amo At Hindi Pinuno Ang Mamamahala Sa Atin

Ang isa pang malaking problema ng bansa na ito ay ang katotohanan na hindi pinuno ang gusto nating mamahala sa Pilipinas kundi isang amo.

Ang pinuno ay kadalasan ay nasa harap o ulo ng samahan o kilusan at nagsisilbing mabuting halimbawa na nagbibigay ng lakas ng loob at inspirasyon para sa kanyang mga taga-sunod. Ang amo naman ay sumasakop sa kanyang mga taga-sunod at siya din ang nagdedesisyon sa bawat galaw ng kanyang mga nasasakupan tulad ng kung ano ang puwede nilang kainin at kung kailan sila matutulog.

Bandang huli, tulad ng mga sinabi ko sa mga nakaraan kong inakda, hindi pinuno o “leader” ang gusto ng nakararaming Pilipino kundi amo o “master” dahil sila mismo ay tinatamad mag-isip ng sarili nilang solusyon sa kanilang mga problema.

Takot Tayo Sa Pagbabago

Tulad ng nakasaad sa taas, ang masasabi ko lang ay wala talagang magbabago kung walang gustong magbago. Walang makakatulong sa ating kung tayo mismo ay ayaw tumulong sa ating mga sarili. Hindi tayo makakaahon sa kahirapan kung hindi natin pipilitin ang ating mga sarili na abuting ang magandang kinabukasan na halos nasa harap na natin.

Tulad ng sinabi na Bob Ong, ang problema natin ay kadalasan ang mismong sarili natin at ang baluktot nating pag-iisip. Sa halip na tuluyan na nating maiwan ang mga problema ng nakaraan, marami sa ating hindi ito maiwanan dahil meron itong mga pakinabang at natatakot tayo sa puwedeng mangyari pag nagbago tayo.

print

Post Author: Grimwald

I HAVE RETURNED TO LAY WASTE TO OUR ENEMIES!

Leave a Reply

8 Comments on "Kulturang Pinoy: Makalumang Pag-iisip Sa Modernong Mundo"

avatar
  Subscribe  
newest oldest most voted
Notify of
ross
Guest

Mas Inuuna Natin Ang Mga Mabababaw Na Pag-Aaway
The World is bigger than the Western ways.
Ang Gusto Natin Ay Amo At Hindi Pinuno Ang Mamamahala Sa Atin
Filipinos do not have slave mentality.
Takot Tayo Sa Pagbabago
OFW’s and many hardworking Filipinos exist to change their lives.

Kyle Vincent Vinluan
Guest
“… hindi pinuno o “leader” ang gusto ng nakararaming Pilipino kundi amo o “master” dahil sila mismo ay tinatamad mag-isip ng sarili nilang solusyon sa kanilang mga problema.” Halimbawa: Barangay Captain: Ayon kay Mayor, tayo ay magpapasimula ng paghihiwa-hiwalay ng basura sa ating barangay. May mga mungkahi ba kayo? Mamamayan 1: Di dapat ikaw ang nagiisip ng solusyon? Ikaw ang kapitan e? Barangay Captain: O sige, ako na kung ako. Simula bukas, Lunes, mga nabubulok lang na basura ang kukunin ng truck. Sa Martes ang hindi nabubulok. Pagkatapos salitan ito. Mamamayan 1: E kung di pa kami nakakapaghiwa-hiwalay? Puedeng sa… Read more »
d_forsaken
Guest

I imagine hell like this: Failipino punctuality, Failipino humor and Failipino wine.

55Hayden0077772Toro
Guest

Mahirap magbago, kung ang tao mismo ay ayaw magbago.
Sinakop tayo ng mga Kastila. Sa loob ng 300 taon; sila ang mga Amo natin. Hinahanap pa natin ang mga Amo natin, hanggan ngayon.

Ang mga KURAKOT na Pulitiko, ay silang pumalit sa mga amo natin mga Kastila. Ang mga Kastila na namuno sa atin ay mga krinimal: magnanakaw, mamamatay tao, masasamang tao, at iba pa.
Kaya kung gusto natin magbago; umpisahan sa sarili natin pagkatao..